Ala-siete ng umaga.
Bumangon ako’t nag-uunat.
Di alintana ang pag sayad ng kamay sa mababang kisame ng aking silid.
Diretsong kong tinungo ang palikuran at daling binuhos ang tubig sa katawan.
Bakit di ko man lang maramdaman ang lamig o ginaw ng tubig?
Nagmamadaling nagbihis, wari’y may hinahabol.
Sikmurang walang laman, maliban sa mainit ng kape, agad kung tinahak ang daan.
Di pansin ang usok, ingay at alinsangan ng panahon, makarating lang sa pupuntahan.
Bakit di ko man lang napansin ang kalam ng aking sikmura?
Sikuhan, balyahan, unahan makasakay.
Pilit iniingatan ang pitaka na tanging laman ay sakto sa pangaraw-araw.
Tagaktak ang pawis habang bumabiyahe ang sasakyang punong-puno.
Bakit ba ganito araw-araw ang aking nasusumpungan?
Patakbong bumababa sa hagdanang kay tarik.
Pilit iniiwasan ang mga batang nakasalampak sa sahig.
Mga nag-iintay ng kunting barya sa mga taong nagdaraan.
Bakit wala akong maramdamang awa sa mga batang nadaanan?
Pawisan at nagmamadaling tinungo ang opisina.
Sinimulan ang gawaing na tila bago araw-araw.
Di ko napansin ang oras, ilang minuto nalang at kalahating araw ang lumipas.
Bakit hangang ngayon ay di parin ako dalawin ng gutom?
Alas-dose ng tanghali.
Hawak-hawak ang isang tasa ng kape.
Mainit at umusok, pilit na hinigop. Hindi man lang ako napangiwi.
Magisang minamasdan ang kasamahang masayang nagkakainan at nagkwekwentuhan.
Bakit walang man lang akong naramdamang inggit sa kanilang tawanan?
Binuksan na ang ilaw, hudyat ng pagtatapos ng tanghalian.
Habang ang iba’y kagigising palang mula sa siesta, subsob agad ako sa la mesa.
Pilit na tinatapos, ang mga trabahong tila di maubos ubos.
Bakit tila ganito ang takbo ng buhay ko araw-araw?
Ilang oras pa ang lumipas at lumubog na ang araw.
Di ko namalayan, ang mga kasamahan ko’y nagsipaguwian na.
Habang ako nandito pa din sa upuan ko, patuloy na tinatapos ang tambak na trabaho.
Bakit di man lang nila ko napansin?
Malalim na ang gabi ng ako’y natapos.
Pagal na katawan, pagod na isipan, tanging pag-uwi na lang ang aking nais.
Habang inaayos ang aking gamit, di ko mawari ang aking nararamdaman.
Bakit tila yata mabigat ang aking pakiramdam?
Buong lakas kung binuksan ang pintuan.
Hawak-hawak ang aking bag, dahan dahan kung tinahak ang daan palabas ng opisina.
Hanggang ngayon di ko alam nong nangyari. Mabigat ang pakiramdam, tila kandilang nauupos.
Bakit biglang nagbago ang aking pakiramdam?
Alas-nueve ng gabi.
Pilit ang bawat hakbang.
Habol hininga akong naglalakad papuntang sakayan.
Tulad ng dati, naglipana ang mga addict, magnanakaw at sanggano sa daan.
Bakit di man lang ako nakaramdam ng kaba ngayon?
Ilang hakbang na lang ng ako’y napahinto.
Ng mapansin ko ang biglang pagbabago sa bahay ko.
Ang dating kay dilim at kay tahimik ay naging maliwanag at maingay na tila’y may handaan.
Bakit may okasyon na hindi ko alam at hindi ako imbitado?
Dali-dali akong pumasok.
Ngunit bigla akong nahinto. di ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko.
Ang liwanag ay mula sa ilaw na nagkalat sa sala at ang ingay ay mula sa iyakan ng mga kakilala.
Bakit sila malungkot, sinong pumanaw ang tanong ko?
Sa pagkalito, ako’y natumba.
Di makapaniwala sa aking nakita, ang kanilang iniiyakan pala ay walang iba kundi ako.
Di ko maipaliwanag kung paano nangyari na sarili ko mismo ang nakikikita kong nakaratay.
Bakit at paano nangyari eto?
Sa gulo ng aking isipan, ako’y napatakbo.
Pilit kong inuunawa ang pangyayari. Ngunit di maipaliwanag ng gulong-gulo kong isipan.
sa pag mamadali’y di ko napansin ang sasakyang rumaragasa pasalubong sa akin.
sa isang iglap, lahat ay nahinto. at ang ulirat ko’y tuluyang naglaho…
Alas-otso ng umaga.
Bigla akong napamulat, napabangon at nagunat.
Di inaksaya ang panahon, tumungo sa paliguan at nagbuhos ng tubig.
Bigla kung nabitawan ang tabong hawak-hawak.
Ang ulirat ko ay biglang nagising sa lamig ng tubig.
Ako’y biglang napangiti at napa-usal ng dasal.
Salamat na lang at isa lang palang masamang panaginip.
-----
Likha Niron © September 2007 Bumangon ako’t nag-uunat.

Repost. Initially posted in my friendster blog last September 10, 2007
0 comments